Noong ako ay congresswoman ng Las Pinas noong 2001 ay nagkaroon kami ng problemang pagbaha sa aming siyudad. Inatasan po ako ng aking mga kababayan na hukayin ang aming ilog para hindi kami bumaha. Noong hinuhukay ko na ang aming ilog nakita ko na ang laman ay puro basura na itinatapon ng aming mga mamayan sa ilog. Naisip ko na hindi matatapos ang aming problema kung hindi ko mapipigil ang pagtatapon nila ng basura sa ilog. Noong ko naisip na humanap ng technology para iprocess ang basura para maging hanapbuhay ng aking mga mahihirap na kababayan.
Naalala ko noong ako ay kumakandidatong congresswoman at ako ay nag house to house, nakita ko na ang aming mga kababayan lalo na ang mga kababaihan ay maraming walang hanapbuhay. Hindi ko natiis dahil ang aking inspirasyon sa buhay ay aking lola at ina na masipag naghanap buhay para itaguyod ang kanilang mga pamilya.
Ang aking lola na hindi nakapag aral kasi noong araw ay hindi pinag aaral ang anak na babae, ay tindera ng ikmo mula ng sya ay labing anim (16) hanggang sya ay walongpong taon (80). Natatandaan ko na sya ang gumigising ng alos dose ng hatingggabi, sumasakay ng truck dala dala ang kanyang tampipi ng ikmo pupunta sa Divisoria. Doon nya ilalatag ang kanyang tampipi na ikmo sa sidewalk at magtitinda siya mula hatingggabi hangggang kinabukasan ng tanghali.
Uuwi sya sa Las Pinas, mamimitas sya ng ikmo hanggang ala sais ng gabi. Sadyang tumutubo ang ikmo sa amin sa Las Pinas noong araw, matutulog na sya, at gigising na naman ng alas-dose ng hatinggabi upang magtinda uli.
Araw-araw, sa loob ng animnapu’t apat na taon (64 years), ganyan ang kanyang naging gawain. Noong sya ay tatlumpu’t taong gulang(30), siya ay na-biyuda. Meron syang siyam na anak, kabilang na aking ama, na naitaguyod niya sa pamamagitan ng kanyang pagtitinda at sila ay naging matagumpay. Ang aking ama ay nagtapos ng medisina sa Unibersidad ng Pilipinas (UP).Naging municipal health officer for 10 years, naging mayor for 22 years, naging congressmen for 5 years until his retirement in 1992.
Ikinukwento ko sa inyo ang buhay ng aking lola para maging inspirasyon sa inyo na ang kahirapan at kulang sa kaalaman ay hindi balakid sa tagumpay kung may hanapbuhay.
Kung kaya naman, ginugol ko ang aking panahon upang mabigyan din ng kakayahan at oportunidad ang marami sa ating kababayan na magkaroon din ng hanapbuhay at pagkakakitaan. Lalong-lalo na ang mga kababaihan, dahil nga ako ay lumaki at namulat sa isang pamilya, kung saan ang mga babae ay nagtatrabaho at kumikita ng sarili nila, upang maging katuwang ng kanilang mga asawa.
Nagtayo ako ng mga livelihood projects sa lahat ng aking mga barangay. Ang kakayanang magkaroon ng hanapbuhay at karagdagang-kita ang pinapalakas ko.Ako ay naniniwala na ang pinakamabisang tulong na ating maibibigay sa ating mga kapwa, ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng kabuhayan.
Itinayo namin sa mismong mga barangay ang aming mga livelihood projects para maglalakad lang ang mga magtatrabaho. Maaari pang isama ng mga nanay ang kanilang mga anak dahil walang magbabantay sa kanilang bahay. Natuto rin magtrabaho ang anak sa kalaunan kaya nakatulong na rin sa kanilang nanay sa paghahanap buhay.
Mahigit na limang daang (500) pamilya ang natulungan ng aming livelihood projects sa aming siyudad galing sa basura.
Ibinahagi naming ang livelihood naming out of wastes sa ibat ibang panig ng bansa. Mahigit na isang daan (100) projects ang natayo naming sa ibat ibang lalawigan. There are 1600 towns and cities at hindi tayo titigil hanggang hindi naabot natin ang karamihan sa kanila. Ito ang pakikinabangan ng mga simpleng tao katulad ng mga nanay sa bahay, ang hindi nakapag aral at ang walang trabahong mapapasukan.
Inuulit ko na hindi hadlang ang kahirapan at kakulangan sa pinag aralan upang umahon sa kahirapan dahil Hanep ang buhay kapag may hanap buhay.
Ito po si Cynthia Villar ang makakatulong ninyo sa kinabukasan. Maraming salamat at MABUHAY TAYONG LAHAT.